Archive for April, 2006

gokusen sa seven!

Thursday, April 20th, 2006

aba! mukhang malapit na ipalabas ang Gokusen sa GMA! ayos, papanoorin ko ‘to!!! hahaha! di ko na kailangan pang panoorin ito sa youtube!!! tatapusin ko na lang yung shakugan no shana sa youtube!!! ayos din ung the end of evangelion.. ngayon ko lang napanood…astig!

hayy kej, babad lang sa tv…

Bliss From UltraVoilet Rays

Sunday, April 16th, 2006

yes! ahh… ang sarap ng init… hindi ko na matiis! SHIT! this is amazing!!!! kung meron mang psychological disorder na arousal to sunlight, meron ako siguro ‘nun!!! pero tangna, aircon lang pala ng internet cafe ang makakagamot sa sakit na ito… one giant step for technology!!!

naisip ko lang, pano kaya nagawang tunawin ng holy week ang utak ko?? nilusaw ako ng kama… parang bulalo, masebo ang aking kamalayan ngayong mga nakaraang araw… pagkatapos manood ng manood ng manood ng tv, at paglalaro ng DotA ang tv break, magsisimula na ang summer class… walanghiyang drayber, wala daw estudyante kapag summer! siraulo, ano tawag mo samen!!

magbabad na naman ako sa mga equations at solutions sa mga problema na hindi ko alam kung bakit ko ba pinoproblema. palalabuin ko ang mata ko sa pagtitig sa blackboard, habang pinapaypayan ako ng isang malaking pamaypay mula sa aking daydreams… ang sarap… di bale na, kesa matikman ko na naman ang lintik na sebo ng bulalo na yun.

naisip ko, ang husay nitong internet cafe na ‘to, winawaldas ang pera ko sa pamamagitan din ng sarili ko! bawat sentence na tinatayp ko, may presyo!! gusto ko lang naman i-update ang blog ko! nasaan na ang demokrasya?!?!